OFW todas sa resbak ng binuntis na bebot

NAGBIGAY na ng pahayag sa awtoridad ang kampo ng pamilya ng pinaslang na dating overseas Filipino worker, pinagbabaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng tinutuluyang tenement building noong Linggo ng hapon sa Taguig City.

Posible anilang niresbakan o ipinapatay ang biktimang si Emmanuel Aquino Sr., 50 sanhi ng iniwang responsibilidad sa tinirhang bayan sa Pangasinan bago siya magtungo sa Kuwait upang doon magtrabaho.

Si Aquino ay pinagbabaril sa ulo nang malapitan habang nakikipagsugal ng tong-its sa harapan ng kanyang tinutuluyang tenement building sa Western Bicutan na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Nahagip din ng bala sa naturang pamamaril ang mga kalaro ng biktima na sina Andres Dimaano Jr., 43; at Joseph Bagaan, 35 na kaagad isinugod sa Taguig Pateros Hospital upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Taguig police Sr. Supt. Tomas Apolinario, aalamin nila ang ibinigay na impormasyon ng pamilya ng biktima na tinakbuhan ng nasawi ang responsibilidad sa isang babaeng kanyang nabuntis nang magtungo sa Kuwait.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang naiwang atraso ng biktima ang posibleng motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply