OFWs, call centers pag-asa ng RP economy

REMITTANCES mula sa overseas Filipino Workers (OFW) at call centers na lamang ang tanging pag-asa ng Pilipinas para makaangat sa kahirapan, ito ang pahayag kanina ng isang ekonomista.

Ayon kay UNESCO Economic Officer Sudip Ranjan Basu, nangunguna pa rin ang remittances ng OFWs na $20.1 bilyon sa bahagi ng ekonomiya, ngunit hindi pahuhuli ang outsourcing at call centers na umabot naman sa $11 billion ang kinita noong isang taon.

Sa report ni Basu, halos kalahati ang ibinagsak ng economic growth ng bansa noong 2011.

Kahit aniya tumaas ng 2.6% ang agrikultura ay hindi pa rin ito sapat upang makaagapay sa paglago dahil sapat lamang ang inani para sa pangangailangan.

Kung hindi sa remittances ng OFWs at sa kinita ng call centers ay bagsak na bagsak ang ekonomiya ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply