Ombudsman Carpio-Morales, et al ipinatawag na ng impeachment court

NAGLABAS na ng subpoena kaninang umaga ang Senado para paharapin sa impeachmenmt trial sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at apat pang personalidad na unang hiniling ng mga abogado ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ani Senate President Juan Ponce Enrile, ang kanilang mga ipinatawag bukod kay Morales ay sina partylist Rep. Walden Bello, dating partylist Rep. Risa Hontiveros, Emmanuel Tiu Santos, at civil society leader Harvey Keh.

Sinabi rin ni Enrile na nagpahayag ng kumpirmasyon si Cong. Bello na haharap siya sa impeachment court sa kabila ng umiiral na interparliamentary immunity sa pagitan ng Kamara at Senado.

Tiniyak din ni Morales na nakahanda siyang humarap sa impeachment court sakaling ipapatawag siya.

Sa Lunes muling itutuloy ang paglilitis ayon na rin sa kahilingan ng depensa.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply