Ombudsman: Imbestigasyon kay Corona ‘di pa nasisimulan

NILINAW ngayon ng Office of the Ombudsman na hindi pa nila nasisimulan ang imbestigasyon sa umano’y multi-million dollar bank accounts ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ipinagpaliban muna niya ang imbestigasyon dahil sa umuusad ang impeachment case.

Una rito, binigyan ng Ombudsman si CJ Corona ng 72 oras para isumite ang sagot sa reklamo ngunit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa ito tumutugon.

Ang nakabinbing kaso sa Ombudsman ay ukol sa reklamong may $10 million deposit si Corona sa iba’t ibang mga bangko.

Una na ring sinabi ni Morales na handa siyang humarap sa impeachment court sa oras na ipatawag siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply