Ombudsman: Corona nag-withdraw ng mahigit $770K

SA PAGSALANG ngayon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment trial, nabunyag na umaabot sa $769,681.71 ang na-withdraw ni Chief Justice Renato Corona mula nang siya ay ipa-impeach noong Disyembre 12, 2011.

Sa pamamagitan ng kanyang PowerPoint presentation, ipinakita ni Morales ang mga naging transaksyon ni Corona mula noong Abril 14, 2003 hanggang Disyembre 22, 2011 sa Bank of Philippine Islands-Tandang Sora (BPI-TS) at Allied Bank Corp. sa Kamias, sa Quezon City.

Narito ang nilalaman ng mga transaksyon ni Corona base sa presentation ni Morales:

* BPI-TS Account number 8104 – 3,513,348.47
* BPI-TS Account number 1842 – 516,130.47
* BPI-TS Account number 5939 – 1,331,501.43
* ABC-Kamias Account Number 2676 – 2,940,850.58
* sub-total 8,301,830.95
* miscellaneous 3,853,519.91
TOTAL = $12,155,350.86

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply