Ombudsman Morales sinubpinahan na

NAG-iSYU na ngayon ng subpoena ang Senate Impeachment Court para paharapin sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Lunes, Mayo 14.

Maliban kay Morales, sinubpinahan din ang mga naghain ng reklamo sa Ombudsman na sina Akbayan Rep. Walden Bello, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, Emmanuel Santos at Harvey Keh ng Kaya Natin Movement.

Pinadadala rin sa mga nabanggit ang mga orihinal na kopya at certified true copies ng kanilang reklamo laban sa punong mahistrado at ang mga dokumentong pinagbatayan nila ng alegasyong $10 million accounts.

Sinabi ni Senate President Juan Poce Enrile na ang pagpapaharap sa mga nabanggit na personalidad at hindi upang malaman kung ill-gotten ang umano’y $10 million account ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply