Operasyon sa Iloilo airport balik-normal na

NAGBALIK na sa normal ang operasyon sa Ilolio Airport of International Standard makaraang kaselahin  ang incoming at outgoing flight kahapon hanggang kagabi (Mayo 1).

Ayon sa ulat naibalik na ang suplay ng kuryente bago mag-alas-5:00 kaninang umaga at dumating ang unang flight galing Metro Manila pasado alas-6:00 ng umaga.

Napag-alamang nawalan ng suplay ng kuryente ang buong airport at kahit ang mga emergency lights ay hindi gumana makaraang masunog ang Uninterrupted Power Supply (UPS) system nang mag-brownout.

Dahil dito, pitong flights ang apektado kabilang na ang papasok at palabas mula Cebu, General Santos City, Manila at Davao.

Ang papasok na flights ay kinailangang i-divert sa mga karatig na lugar ng Bacolod City at Kalibo, Aklan habang ang ibang flight ay bumalik na lang sa point of origin.

Nadismaya naman ang mahigit sa 1,000 pasaherong na naistranded kagabi matapos hindi sila agad naabisuhan ng airport management sa naganap na black-out.

Sa ngayon ay masikip na sa airport dahil ang ibang hindi nakapagbiyahe ay naghihintay na mai-book sa ibang flight habang wala naman plano ang mga airline company na magdagdag ng flight para ma-accommodate ang mga naistranded na pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply