Operator ng pumping station niratrat, dedo

NAMATAY ang isang operator ng pumping station makaraang ratratin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay 176, Caloocan City.

Agad na namatay si Nelson Baylon, 35, dahil sa tama ng kalibre .45 baril.

Ayon sa ulat, kasasara lamang ni Baylon ng pumping station nang pagbabarilin ng isang lalaki.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ag dalawang slug at limang basyo ng baril na ginamit sa pamamaslang.

Wala pang nakikitang motibo ang pulisya sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply