Oplan balik-eskwela ikinasa ng PNP

NALALAPIT na naman ang muling pagbubukas ng klase at inaasahan ang pagdagsa ng mahigit sampung milyong mag-aaral sa buong Pilipinas kaya pinasimulan na ng Philippine National Police na maglatag ng kaukulang seguridad para sa publiko.

Sa kalakhang Maynila ay may inihahanda nang security plan ang PNP-National Capital region Police Office para sa nalalapit na

pasukan sa darating na Hunyo, kabilang na ang pagsisiguro sa

kaligtasan ng mga mag-aaral at mga magulang para sa School Year 2012-2013.

Nabatid sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr, na inatasan na ni Metro Manila Police chief Director Alan Purisima ang limang distritong nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa na magtalaga ng mga tauhan na magbantay sa mga kolehiyo at pamantasan.

Nanawagan si Purisima sa  mga mag-aaral na maging maingat laban sa mga magnanakaw at snatcher na umaaligid sa mga paaralan.

Ayon sa kanya, naghihintay lamang aniya ang mga ito ng pagkakataon at handang umatake sa mga mag-aaral na may dala-dalang perang pang-tuition.

Bukod dito, ay inatasan din ni Purisima ang mga director ng limang police district na magtayo ng mga assistance desk sa mga paaralan.

Nauna nang inihayag ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa elementarya at high school sa darating na ika-4 ng Hunyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply