Oplan Balik-Eskwela inilunsad ng LTO-NCR

INILUNSAD na ngayon Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang “Oplan Balik Eskwela” 2012 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, 2012.

Ayon kay LTO-NCR Director Atty. Teofilo Guadiz III, CESO V, ang nasabing proyekto ay bahagi ng paghahanda ng ahensiya dulot ng inaasahang trapik at mga insidente na may kinalaman sa transportasyon ngayong pasukan sa susunod na buwan.

Ani Director Guadiz, ang LTO-NCR aniya ay magiging katuwang ng PNP-National Capital RegionPolice Office (NCRPO) upag masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, gayundin ang publiko na magsisibalikan sa kani-kanilang mga paaralan.

Sinabi pa ni Guadiz, na nakikipag-ugnaya na ang LTO-NCR sa iba pang ahensiya ng gobyerno, mga pampubliko at pribadong paaralan bilang paghahanda sa proyekto na ipapatupad simula sa Lunes, May 28 hanggang Hunyo 8, 2012.

Sa Lunes ay popostehan na ng mga law enforcement team ng LTO-NCR, PNP at NCRPO ang mga pangunahing bus terminals sa Metro Manila upang pangalagaan ang trapiko at mabantayan ang mga estudyante na galing probinsiya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply