Oral arguments ni CJ Corona, ikakasa na ngayong hapon

HANDANG-HANDA na ang  kampo si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sagagawing oral argument sa impeachment nito ngayong hapon.

Ayon kay lead defense counsel Serafin Cuevas nakahanda si  Corona sa anumang magiging hatol ng impeachment court.

Sinabi naman ni  Supreme Court Spokesman Midas Marquez, isinuko na ni Corona sa nais ng panginoon ang magiging boto ng mga Senador.
Tiniyak naman ng depensa na handa na sila sa oral arguments ngayong araw anuman ang kalabasan nito.

Sinabi ni Rico Quicho, tagapagsalita ni Corona na tututukan ng Depensa ang Article 2 o ang kabiguan ng punong mahistrado na ilagay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang lahat ng kanyang ari-arian dahil sa ito ang ginawang basehan sa pagsasampa ng impeachment complaint.

Bukod sa Article 2 ay kinakaharap din ni Corona ang Article 3 na kumikwestyon sa integridad nito at Article 7 na inakusahan ito ng paglalabas ng mga desisyon na papabor kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Una nang napahiwatig ang kampo ni  Corona na aapela sila sa Korte Suprema sakaling “guilty” ang hatol ng impeachment court laban sa punong mahistrado.

Mariing ipinaliwanag ni  Cuevas na walang nakasaad sa a batas na “final and executory” na ang desisyon ng Senado kaugnay sa impeachment case.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply