Ospital sa Cotabato pinasabugan ng granada

NANINIWALA ang mga tauhan ng Cotabato City PNP na isa sa mga pasyente ang target ng pagpapasabog ng granada sa isang ospital na ikinasugat ng tatlong kalalakihan kagabi.

Batay sa ulat, naganap ang pagsabog bandang alas-11:50 p.m. sa ikalawang palapag ng Notre Dame Hospital sa Cotabato City.

Sumambulat ang granada malapit sa room A-27 kung saan naka-confine ang isang biktima ng pamamaril na nakilalang si Badrudin Sarudsong.

Kinilala naman ang iba pang sugatan na sina Emelio Tayrus, 24-anyos; Nobaisa Pangalian, 21-anyos at isang Baisa Pangalian.

Inaalam na ng awtoridad kung may kinalaman sa pamamaril sa bahay ni Sarudsong sa Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City nitong nakalipas na Mayo 10, 2012 ang paghahagis ng granada sa Room A-27 ng nabanggit na pagamutan.

Gayunman, hindi pa masabi kung si Sarudsong nga ang target ng pagsabog.

Hawak na ng pulisya ang isang Esmael Yusoph na suspek sa pagpapasabog.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply