Office of the VP ginagamit sa text scam

MAGING ang tanggapan ng Office of the Vice President ay hindi nakaligtas sa mga kumakalat na “text scam” na nag-aanunsyo na ang nakatanggap ng mensahe ay nanalo umano sa mga pa-raffle.

Sa impormasyong umabot kay Vice President Jejomar Binay, ginagamit umano ng ilang mapagsamantala ang kanyang tanggapan upang makapanloko ng ibang tao.

Pinayuhan din ni Binay ang publiko na huwag maniwala sa mga natanggap na mensehe na nagsasabing ang tumanggap ay nanalo sa isang pa-raffle o kaya naman ay makakatanggap ng tulong pinansyal mula sa kanyang tanggapan.

“Mag-ingat po tayo sa mga text scam. Wag tayong maniniwala sa mga pakana na ito. Wag nating hayaang maging biktima tayo,” panawagan pa ni Binay.

Pinayuhan din ni Binay ang publiko na nakatanggap ng pekeng mensahe na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng telepono bilang 832-6791 lokal 105 at 106  0 kaya naman ay sumulat sa pamamagitan ng e-mail sa vp@ovp.gov.ph upang alamin ang katotohanan sa natanggap na mensahe.

Kabilang sa mga kumakalat na pekeng mensahe ay may anunsiyo na: “(NOTICE>From Jejomar Binay u’r sim#have won 860,000) 05-03-12 pls. Call Katherine L. Madrigal at dis # 09128038637 (Auditor of the phil. Fund) DTI/NDRprmit# 4821.”

Sinabi rin ni Binay na inatasan na niya ang kanyang tanggapan na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng pekeng pa-raffle at cash assistance program.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply