P.2-M sa makapagtuturo sa killers ng mag-ina sa Caloocan

MAGBIBIGAY ng P200,000 reward si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa makapagtuturo at makahuhuli sa pumatay sa mag-ina matapos pagnakawan sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lungsod, kahapon, Mayo 12.

Sa ulat, alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Faith Jaena, 50 at anak nito na si Ressa, 15 sa loob ng kanilang kuwarto sa Taurus St., Palmera Spring 2, Camarin, nasabing lungsod.

Nabatid na umuwi ang anak ni Faith na si Timothy, 20 mula sa trabaho at laking gulat nang makita ang bangkay ng mga biktima na tadtad ng mga saksak sa katawan.

Nawawala rin ang laptop, cellphone, pera at mga alahas na hindi pa batid ang halaga.

Lumalabas na ala-1 kahapon ng madaling araw, Mayo 12 ay dalawang hindi pa kilalang mga lalaki ang nakitang umiinom sa terrace ng nasabing bahay.

Wala rin nakitang palatandaan na puwersahang binuksan ang pintuan ng bahay habang patuloy pa rin na nag-iimbestiga ang mga pulis sa nasabing krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply