P.6-M reward sa pumatay sa vice mayor ng Capiz

NAGPALABAS na ng P600,000 reward para sa makahuhuli o makapagtuturo sa killers ng vice mayor ng Capiz na pinatay sa harapan ng kanyang tahanan sa Rizal Street, Barangay Poblacion kaninang umaga.

Ayon kina Capiz Governor Victor Tanco Sr. at Roxas City Mayor Alan Celino, naglaan na sila ng reward para sa agarang pagkadakip sa mga salarin na bumaril kay Mambusao Vice Mayor Abel Martinez.

Sinuportahan naman ni Transportation and Communications (DOTC) Secretary Manuel Roxas II ang paglalaan ng pabuya upang matukoy ang killers ng opisyal.

Sa kasalukuyan, aminado ang pulisya na blangko pa rin sila sa motibo sa pagpatay sa bise alkalde na tinadtad ng limang tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply