P1.4M nahuthot sa Hapon ng dyowang Pinay

TINATAYANG aabot sa halagang P1.4 million ang nadenggoy ng isang Filipina sa fiancee na Hapon sa Malate, Maynila.

Personal na dumulog ngayon sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Inove Tomoyuki, 61 at pansamantalang nanunuluyan sa Executive Plaza Hotel, Malate, Maynila upang ireklamo si Rhodora Lim, 34, taga- 641 Int. 14-C Pasig Line St., Sta Ana Maynila na kinasuhan ng large scale estafa at swindling.

Sa report ni PO3 Jayjay Jacob ng MPD-GAS, nakilala ng biktima ang ginang sa airport nang bumisita ito sa Pilipinas bilang turista noong Disyembre 2011.

Naging magkaibigan hanggang sa nagkaroon ng relasyon ang dalawa na nauwi naman sa panghihingi ng ginang ng pera Tomoyuki para pambili ng sasakyan at apartment na umabot sa nasabing halaga.

Matapos na mahuthutan ng suspek ang biktima ay bigla na lamang itong naglaho at maging ang bahay at kotse na sinasabing binili ay hindi rin naipakita sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply