P1-M ari-arian naabo sa sunog sa Kyusi

AABOT sa P1 milyon ang halaga ng ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang isang malaking bahay sa Barangay Culiat, Quezon City, kagabi (Mayo 2).

Ayon kay SFO2 Dionisio Dela Cruz, arson investigator ng Bureau of Fire Protection Quezon City, dakong 9:15 kagabi nang tupukin ng apoy ang isang malaking bahay sa No.95 Senacle Drive Sunville Subd., Brgy.Culiat,QC.

Sinabi sa ulat na nagsimula ang sunog sa kitchen ng naturang bahay at mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.

Ganap na nakontrol ang sunog dakong 10:08 ng gabi at wala naman iniulat na napinsala o nasawi sa naturang sunog.

Inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog na hindi naman nakadamay sa iba pang kabahayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply