P136-M jackpot prize ng Grand Lotto kinubra na ng solo winner

KINUBRA na ng isang pampublikong ang P136,855,753.20. jackpot prize ng 6/55 Lotto Grand Lotto na binola noong Miyerkules.

Nabatid na ang nasabing solo winner ay nagmula sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II na hindi umano makapaniwala ang guro instant millionaire na siya matapos masilat ang lumabas na kumbinasyong 12-08-46-53-41-55.

Ani Rojas, balak nang magretiro 55-anyos na guro at bumili ng rest-house sa Baguio City.

Plano rin aniya ng solo winner na tumulong sa pagpapaayos ng simbahan sa kanilang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply