P1M natupok ng apoy sa Pasay City

TINATAYANG mahigit P1 milyon halaga ng mga ari arian ang natupok ng apoy makaraang sumiklab ito mula sa umano’y napabayaang nakasinding ilaw sa altar na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng may 40 pamilya kamakalawa ng gabi sa Pasay city.

Bagama’t wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa mahigit dalawang oras na sunog na nagsimula alas-11:15 ng gabi sa inuupahang bahay ng isang Teresa Taban sa 914 M Tengco St., Malibay.

Batay sa tinanggap na ulat ni Pasay City Fire Marshall Fire Chief Insp. Douglas Guiab, nagkaroon umano ng short circuit ang kuryente sa inuupahang bahay ni Taban na pag-aari ng isang Milagros Gomez matapos maiwang nakabukas ang ilaw sa altar.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabi pang kabahayan na pawang yari sa materyales na madaling tupukin ng apoy bago tuluyang naapula dakong alas-1:33 ng madaling araw matapos itaas ang sunog sa ikatlong alarma.

Inatasan naman ni Pasay city Mayor Antonino Calixto ang Social Welfare Department na magbigay ng kaukulang ayuda sa pamilya ng nasunugan na pansamantalang nanununuluyan sa Malibay Plaza covered court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply