P2.1M hirit ng misis ni Jose Manalo sa EB

DAHIL sa paghaharang na makita ang kanyang sariling asawa, hiniling kaninang umaga ng misis ng komedyanteng si Jose Manalo sa Quezon City court na hingan ng danyos ang television noontime producer ng P2.1 miyon.

Sinabi ni Anna Lyn Manalo, ang misis ng “Eat Bulaga’’ host-comedian na si Manalo, na kailangan na bayaran siya ng Television and Productions Exponents (TAPE) Inc. ng P1 million na moral damages, P1 milyon na exemplary damages, P100,000 sa litigation costs, at P3,500 bawat diem para sa bawat isang araw para sa pagpunta sa korte ng kanyang abogadong si Lowell John Fetizanan.

Isinisisi ni Anna Lyn sa TAPE ang kanyang dinaranas na “mental anguish, besmirched reputation, serious anxiety at kahit ang kanyang hindi pagkakatulog sa gabi” dahil sa isinampang petisyon ng producer ng naturang noon time show para sa isang preliminary injunction na nagbabawal sa kanya na makita ang esposong si Jose.

Hinikayat din ni Anna Lyn si Quezon City Regional Trial Court Branch 218 Judge Luis Zenon Maceren na idismis ang injunction petition na kumukuwestiyon kung bakit nakikialam ang TAPE sa sigalot na ikinasa ni Jose, samantalang inabandona nito ang kanyang pamilya dahil sa ibang babae.

Dahil siya ang may karapatan at legal na asawa, sinabi ni Anna Lyn na tila kinakampihan pa ng TAPE ang hindi pagsuporta ni Jose sa

kanyang  pamilya.

Noong Marso 16, kinasuhan ng TAPE si Anna Lyn, at humihingi ito ng P100,000 in nominal damages, P250,000 na moral damages at P100,000  sa litigation cost.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply