P25-M fake footwear nasabat sa Pasay City

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang bultu-bultong pekeng footwears na tinatayang umaabot sa halagang P25 milyon sa Baclaran, Pasay City kanina.

Sa utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, ay nagsagawa ng inspeksyon ang BOC Intelligence Group sa No. 56 Russel Avenue, Baclaran at nakulasan na isang ware house ang ginagamit na imbakan ng mga pekeng produkto na mula sa China.

Nadiskubre ng mga tauhan ng BOC ang bulto-bultong men’s and ladies footwear kabilang ang mga tsinelas na may tatak na Adidas, Soirt, Moda, Nike, Cris, Vans, Converse, Havaianas, na lihim na itinagao sa isang malaking bodega na nasa pangalan ng isang Marline Santos

Ang mga pekeng produkto ay kinumpiska ay dadalhin sa tanggapan ng BOC.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at hindi pagbabayad ng duties at taxes ang may-ari ng mga naturang produkto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply