P3 bilyon refund ng telcos sa text charges

HINDI pa rin nagbaba ang telephone companies sa kanilang interconnection charges kahit ipinag-utos na ng National Telecommunication Commissions ang pagsasauli nila ng P3 bilyon sa subscribers.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño, ang nasabing halaga ay mula sa kanilang siningil na text charges sa subscribers na hindi awtorisado simula noong Nobyembre nang ibinaba ng NTC ang kautusan.

Dahil dito, hinikayat ni Casiño ang House of Representatives para sa agarang pagbasa ng House Bill 5653 o Mobile Phone Subcribers bill bilang proteksyon ng karapatan ng mobile phone susbcribers.

Ayon kay Casiño, kabilang sa sinuway na kautusan ng NTC ang telecommunication service providers (telcos) ay ang hindi pagtupad sa implementasyon ng 20-centavos deduction on interconnection charges para sa SMS (text messages).

Nakasaad sa House Bill No. 5653 ang pagkakaroon ng karapatan ng mobile phone subscribers sa pag-regulate ng mga presyo nito at pagkakaroon ng detalyado ring billing ng prepaid credits at postpaid.

“The true costs of mobile phone services are hidden in the untransparent pricing of Smart and Globe, which enables them to impose onerous charges. Prepaid subscribers often are left blind as to how their credits were consumed, if they were indeed consumed at all prior to the load expiration, which in itself is a dubious practice. Postpaid subscribers meanwhile bewail a lack of transparency on the charges levied against them as found in billing statements. These issues among others have to be addressed and it has to be done now,” dagdag pa ng mambabatas.

Mula sa pagkwenta sa mga pinakahuling financial reports ng telcos ay lumitaw na may P200 million na kita kada araw mula sa text messaging services.

Sa dapat sanang 20 sentimo na ibawas ng telcos sa interconnections fees ay lumilitaw na P20 milyon kada araw ang kanilang naiipon kaya sa loob ng apat na buwan na hindi pagpapatupad nito ay umaabot na sa P3 bilyon ang dapat na nilang ibalik sa consumers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply