P30 COLA dagdag sa minimum wage earner

MAKATATANGGAP na ng dagdag na P30.00 Cost of Leaving Allowance (COLA) ang mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Ayon kay Atty. Allan Macaraya, Director ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region, aprubado na ang dagdag na P30.00 COLA kaya papalo na sa P426.00 ang minimum wage sa kalakhang
Maynila.

Ipinahayag pa  ni Macaraya na hahatiin sa dalawang bahagi ang pagbibigay ng P30.00 COLA.

Ang unang bahagi na P20.00 ay ibibigay makalipas ang 15 araw na mailathala ang dagdag umento at ang nalalabing P10.00 ay ibibigay makalipas ang anim na buwan.

Dahil dito, papalo sa P456.00 ang inaasahang matatanggap ng minimum wage earner sa Disyembre.

Inaasahan ding tataas ang overtime pay, night premium at 13th month pay ng mga manggagawa dahil sa salary adjustment.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply