P31K, utang ng bawat isang Filipino — NSCB

MAY pagkakautang na P31,391 ang bawat isang Filipino, ayon sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB).

Sa kanilang pinakahuling round ng Sexy Statistics, sinabi ng NSCB na simula ng Disyembre 2011, ang bawat Filipino ay may pagkakautang na P18,217 sa domestic debt at P13,174 sa foreign debt.

Kapag magkaroon pa ng inflation, tataas pa ang pagkakautang ng bawat Pinoy sa P51,675 simula Disyembre 2011. Ito ay binubuo ng domestic debt na halagang P29,989 at foreign debt na P21,686.

“As of December 2011, per capita real GDP [gross domestic product] was P61,719 while per capita debt was P31,391. Thus, if we want to pay off our debts completely, for every P100 worth of goods and services we produce in the domestic economy, we must use P51 for debt service,” pahayag ng NSCB.

Ang GDP ay ang total value ng goods and services na naipoprodyus ng isang bansa bawat taon.

Sa terms ng debt service, sinabi na ang pinakamabilis na annualized growth rate ng real debt per capita, o ang paggamit ng constant 2000 prices, ay noong termino ni Pangulong Joseph Estrada na ang real debt per capita ay tumaas ng 11.5 percent.

Noon namang termino ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang annualized growth rate ng real debt per capita, o ang paggamit ng constant 2000 prices, ay umabot sa 1.2 percent; Pangulong Corazon Aquino, 0.5 percent; Pangulong Fidel V. Ramos, na may contraction ng 1 percent; at ang kasalukuyang administrasyon na may contraction ng 1.2 percent.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply