P3M lotto jackpot napanalunan ng 33-anyos na ginang

MAHIGIT sa P3 milyong cash ang kinubra kamakalawa ng hapon ng isang 33-anyos na ginang nang solong tamaan ang jackpot prize ng 6/42 lotto na binola noong Mayo 22 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon sa ginang na taga Quezon City, nagbunga ang araw-araw nitong panalangin sa Itim na Nazareno sa Quiapo nang solo nitong tamaan ang jackpot prize at maiuwi ang kabuuang premyong P3,168,907.20 matapos makuha ang tamang kombinasyong 37-27-26-29-16-13 na kanya lamang hinulaan nang tumaya ng P20 sa lotto.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, plano ng ginang na may tatlong anak na umuwi at tuluyan ng manirahan sa kanilang lalawigan sa Samar kung saan nais niyang doon na bumili ng bahay at lupa at magtayo ng maliit na negosyo.

Sinabi ni Rojas na binanggit sa kanya ng ginang na araw-araw niyang hinihiling sa Itim na Nazareno sa Quiapo na bigyan siya ng biyaya upang mapalaki ng maayos ang tatlong anak at ang pagtama niya sa lotto ang kasagutan umano sa kanyang mga panalangin.(

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply