P471-M lugi ng Landbank of the Philippines – COA

AABOT sa P471.19 milyon na ang lugi ng Land Bank of the Philippines (LBP) dahil sa utang ng cooperatives at countryside financial institutions, batay sa 2010 report ng Commission on Audit (COA).

“Ito ay uncollectibles dahil hindi na mahagilap ang mga umutang nito,” ayon kay Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro), naghain ng House Resolution No. 2129 na humihikayat sa House Committee on Government Enterprises and Privatization na magsagawa ng imbestigasyon para malaman kung bakit nalugi ang Land Bank ng halos kalahating bilyong piso.

Napag-alaman ng COA na ang malaking karagdagang uncollectibles sa tax lending policy na ginawa ng banko noong 2009, na hindi na nangailangan ng comprehensive surety agreement at iba pang collateral requirements para sa ilang umutang. Ang  halaga at 882-percent increase over sa P47.982 million write-offs sa 2009.

“Sa write-offs account nitong 2010, 88.08% ang tumutukoy sa cooperatives, habang 11.92% naman ang tumutukoy sa countryside financial institutions,” dagdag pa ni Rodriguez.

Patuloy na pinalawak ng Land bank ang loan portfolio na pumapabor sa mga pangunahing sector gaya ng mga magsasaka at mangingisda, small and medium enterprises and micro-enterprises, livelihood loans and agribusiness, agri-infrastructure at iba pang agri and environment-related projects, socialized housing, schools and hospitals.

Noong 2010, lalo pang pinasigla ng LBP ang kanilang lending drive nang mahigit P32 bilyon ang ipinautang nila sa mga magsasaka at mangingisda. Gayunpaman, nalugi ang Land Bank ng halos kalahating bilyon pisong pautang dahil na rin sa kanilang kaluwagan sa pagbibigay ng pautang.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply