P50K halaga ng cellphone natangay ng Salisi gang

INIREKLAMO ng isang 28 anyos na encoder sa Manila Police District ang umano’y miyembro ng salisi gang na tumangay ng kanyang  mamahaling celfone, mga mahahalagang dokumento at P50,000 cash matapos siyang masalisihan sa loob ng gusaling kanyang pinapasukan sa Sta.Mesa, Manila.

Iniulat ng pulisya na nagtungo si Marlon Plarisan, encoder ng Sta.Lucia, Pasig City sa pulisya, para pormal na maghain ng reklamo sa pagkawala ng kanyang bag.

Batay sa ulat ng MPD-Crime Against Property Investigation Unit, iniwan ni  Plarisan ang kanyang bag na naglalaman ng P50,000 cash,  celphone na Samsung Galaxy at mga dokumento nang  lumabas  ito ng gusali sa panulukan ng Reposo at Old Sta.Mesa St., para bumili ng pagkain.

Sandali lamang nitong iniwan ang kanyang bag at ng magbalik ay nawawala na ito na hinalang tinangay ng tinaguriang salisi gang.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply