P6.5-M inilaan sa Tawi-Tawi agri projects

NAGLAAN ng P6.5 milyon halagang tulong ang Department of Agriculture para ipambili ng kagamitan upang mapalago pa ang produksyon at kikitain ng mga magsasaka at mangingisda ng Tawi-Tawi.

Maliban dito, nangako rin si Agriculture Secretary Proceso Alcala na magpapatayo sila ng  mga irigasyon at makapaglagay ng agri-fishery trading post, nang bumisita siya sa lugar noong April 26, 2012.

Sa isinagawang forum sa pagitan ng mga magsasaka at mangingisda at mga lokal na opisyal, pinangunahan ni Alcala ang pamamahagi ng ilang mga kagamitang pang-agrikutura at pangisda mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagkakahalaga ng P3.5 milyon at mga pananim galing sa Agri-Pinoy national corn program.

Kabilang dito ang 10 sets ng cassava grater at presser; 100 sets ng seaweed farming paraphernalia gaya ng nylon, styro floaters at plastic tie; 100 sets ng gill nets; at limang units na 13-horsepower (HP) makina ng banca.

Magdaragdag din ang DA-BFAR ng may 55 units na 13-HP makina ng bangka para maipamahagi sa 11 isla ng munisipalidad ng Tawi-Tawi sa pamamagitan ng kani-kanilang local na pamahalaan na silang magpapatupad sa operasyon ng kanilang ‘Bantay-Dagat’ na ilan sa initiatives ng DA-BFAR sa ilalim  ng ‘Fish for Peace’ program sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply