P6-M blangko na DVD nasabat sa Cebu

NASAMSAM ng Bureau of Customs ang isang 20-footer contaiber van na naglalaman ng mga blangkong DVD na nagkakahalaga ng P6 milyon sa Cebu.

Ang 700,000 piraso ng mga DVD ay tinangkang palabasin sa Cebu International Port ngunit nahuli sa X-Ray Inspection Project ng BOC.

Ayon sa BOC, peke ang mga dokumentong ipinakita ng consignee na Zakhris General Merchandise para sa mga nasabing kargamento.

Ang mga blangkong DVD ay ginagamit sa pamimirata ng pelikula at iba pang palabas o panoorin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply