P674M sa mga barangay at no SSS, PAG-IBIG, PhilHealth

MISYON AKSYON, isa lamang po ako sa masusugid na tagasubaybay ng Remate. Nabalitaan ko po na sa lalawigan ng Laguna,ang aming gobernador na si Gov. ER Ejercito ay nagbigay ng pondo sa bawat kapitan ng buong lalawigan ng Laguna.

Katunayan po, tig-isang milyong piso ang ibinigay sa bawat Kapitan ng lalawigan ng Laguna na umaabot sa 674 ang kabuuan. Kaya ang katumbas na pondong binitiwan ay aabot din sa 674 milyong piso na ayon sa aking napag-alaman ay para sa mga proyektong pambarangay.

Halimbawa ng mga proyekto ang drai-nage. Kaya halos ‘di rin ito sasapat kung ang ipagagawa ay drainage ng bawat barangay.

Saludo po ako kay Gov. E.R. Ejercito at ang katotohanan niyan, siya ang unang nagbigay ng ganyang sistema sa Laguna. Sana mabigyan ng malaking pondo ang mga barangay para hindi mabitin ang mga proyekto ng mga ito dahil sa mahal na mga materyales para rito.

Kaya umaasa po kami na nawa’y mabigyan kami ng ganitong mga proyekto ni Gov at umasa po kaming mga taga-Laguna na lalong paiigtingin niya ang ganitong adhikain.

Gumagalang
Concerned Citizen

Misyon Aksyon, sana matalakay po ninyo ang kalagayan ng mga construction worker sa Pilipinas kasi kaaba-aba naman po kami at kabilang sa mga manggagawa na pinagkakaitan ng mga karapatan pagdating sa benepisyo. Katunayan po, kung wala kaming mga skilled worker sa konstraksyon wala po ang mga naggagandahang mga gusali sa bansa.

Isa po akong karpintero sa isang malaking construction company na nakabase sa Valenzuela, Metro Manila. Pero, dating nasa malaking kompanya ako. Kinakaltasan ako ng SSS, PAGIBIG at Philhealth at nang malipat na po kami eto na po ang malaking dagok sa akin at sa aking mga kasama. Kasi sub-contractor na ang aming pinapasukan.

‘Di po ba dapat na awtomatiko kaming kakaltasan? Kasi yung suweldo namin ay halos parehas lamang  sa malaking kompanya.

Sa parte ng mga katulong, umaabot sa P1,500 at P3,000 pesos ang kanilang buwanang sahod. Pero, kaming mga karpintero, mason, welder, tubero, at  laborer ay umaabot sa 6,000 kada buwan ang may pinakamahabang suweldo. Kaya nakapagtataka ang ating batas sa paggawa. Hindi patas po ang sistema.

Sana po mabigyan kami ng ayuda. Kasi po may alam ako na samahan na ang pangalan ay Construcion Worker’s Solidarity (CWS) na nagsusulong ng adhikain na mabigyan ng proteksyon ang mga uring manggagawa sa ating bansa.

Gumagalang
Mr. Carpenter

Paging, Laguna Governor E.R. Ejercito. Sir, totoo ba na may proyekto kayo na kada isang kapitan ay may isang milyong budget na nakalaan para sa mga pambarangay na proyekto? Kasi ang isa po ninyong  residente ay nagtatanong na baka maumpi-sahan lang ang proyekto e hin­­-di naman matapos. Sayang lang ang pondo. Kasi tiyak mabibitin ang kanilang proyekto sa  mahal ng mga bilihin.

Maganda sana dahil ayon sa inyong kababayan kayo pa lamang ang may gantong proyekto… aba sir, lakihan na po ninyo para naman ang bawat  Barangay sa lalawigan ng Laguna ay tiyak gaganda. Kay Mr Crispin “ Jun” Soriano, sir baka obra ninyong  susugan at magawaan ng ayuda ang mga kababayan ng mga  construction worker na kung pagbabasehan ang kanilang mga  sahod ay dapat  makunan  sila ng mga  binipisyo  kagaya  ng SSS, Pag-ibig at  Philhealth para naman kung mag kasakit sila ay may aasahan silang  benipisiyo.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com,

arnelpetil12@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin po ninyo

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply