P79-M fake Louis Vuitton bags nasabat sa Maynila

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may 2,061 pirasong pekeng Louis Vuitton na tinatayang umaabot sa halagang P79,770,000 sa ni-raid na mga stall at warehouse sa Binondo, Maynila.

Batay sa report ni NBI Intellectual Property Rights Division Chief Rommel Vallejo, nakumpiska ang mga pekeng bag sa warehouse sa G-55/57 at H-28 sa Manila Textile Market na matatagpuan sa Soler Street. at stalls 1k-11, 1K-12, 1L-12, 2F-10/12, 2H-3/5 at 2R-9 sa 999 Shopping Mall Sta. Elena St., Binondo, Maynila.

Nauna dito, nagsagawa muna ng surveillance ang mga ahente ng NBI at test buy sa nasabing lugar matapos na makatanggap ng reklamo sa Asia Pacific representative ng Louis Vuitton.

Nang makumpirma na peke ang mga bag ay doon na nagpalabas ng search warrant si Judge Lyliha Abella-Aquino ng Manila RTC Branch 24.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, ang mga may-ari ng mga stall at warehouse.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply