P8 pasahe sa jeep posibleng ibalik

DAHIL sa bigtime rollback ng Department of Energy (DOE), inaasahan namang ibabalik na sa P8 ang pasahe sa dyip.

Kaninang umaga lamang ay nagtapyas ang Unioil ng P1.65 sa presyo ng kada litro ng diesel at P1.50 sa unleaded at premium gasoline.

Habang alas-12:01 naman mamaya ay magbabawas din ang Eastern Petroleum, Shell, Petron, Seaoil at Flying V ng P1.70 sa kada litro ng diesel, P1.60 sa unleaded at premium gasoline at P1.50 sa kerosene at regular gasoline.

Dahil dito, inaasahan ang pagbaba ng pasahe dahil na rin sa sinabi ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Jaime Jacob na awtomatiko silang magpapalabas ng kautusan para bawiin ang P0.50 provisional increase sakaling bumagsak sa P45 ang presyo ng kada litro ng diesel.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply