P9.8-M ismagel na sibuyas nasabat

TINATAYANG pitong 40-footer container van na naglalaman ng smuggled na sibuyas na nagkakahalaga ng P9.8 milyon ang nasabat ng Bureau of Customs matapos tangkaing ipuslit sa Manila International Container Terminal (MICT) mula sa China.

Base sa pahayag ni  Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang naturang kargamento ay idineklarang houseware, school supplies at house decors.

Naka-consign ito sa One Full Tradings, Silver Stripes Tradings, Clinical Enterprises at Jay Seven Tradings.

Kasalukuyan pang inaalam kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng naturang containers dahil lumalabas sa imbestigasyon na peke umano ang mga nasabing consignee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply