P94.51 million buwis nakolekta ng Marawi City

UMANGAT sa 37% ang koleksyon sa buwis ng Marawi City, Lanao del Sur sa unang quarter ng taon.

Sa ulat ni Revenue District Officer Aminoden Macarampat, may P94.51 million ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue District 102 ngayong taon na mas mataas sa P69.03 million na naitala sa kaparehong quarter noong nakaraang taon, nataasan pa ang target na P81.58 million.

Bukod dito, 88% din ang itinaas ng revenue taxes at 186% naman ang inangat ng percentage taxes.

Ang mataas na koleksyon ay resulta ng magandang information tax campaign na pinairal ng city government.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply