Pa-tweetums na young actress natulog sa iisang room kasama ang bagong papa?

TRUE kaya ang alingasngas na nu’ng mag-show sa Hawaii Waikiki sina Xian Lim at Kim Chiu ay magkasama sila sa iisang room ng hotel?

Kung true ang chism na ito, ibig bang sabihin ay may relasyon na talaga sila?

Or talaga lang super close na sila mula nang magsama sila sa defunct series na “My Binondo Girl” ng ABS-CBN 2?

Just asking!

-0o0-

TAMEME ang drama ngayon ni Cristine Reyes. Parang nawala ‘yung talas ng mga mensahe niya at text kay Ara Mina pag iniinterbyu siya ngayon ng press.

Umabot pa sa puntong nagbakasyon siya sa Boracay kasama ang mga kaibigan para mag-enjoy. Isang paraan kaya ito para takasan ang press na gusto siyang mainterbyu sa demanda ng ate niya sa kanya?

Anyway, happy si Cristine sa iginawad sa kanya katuwang si Anne Curtis ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng Box Office Queen para sa ‘No Other Woman’ na ginanap nitong April 29.
Pagmamalaki niya, “So far yun yung biggest achievement ko this year so I’m very, very thankful kay God.”

(Do not use the name of the Lord god in vain. Dapat malaman ‘yan ng baliw na babaeng ‘yan! – Ed)

-0o0-

DAPAT ay maging aware si Aljur Abrenica sa oras niya dahil usap-usapan na ang pagiging uprofessional niya.‘Wag niyang sanayin na maging tatak niya ang pagiging late dahil sunod-sunod na ang nababalitaan namin tungkol dito.

Tulad halimbawa ‘yung na-late siya noon sa rehearsal ng concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart Araneta at pinaghintay niya si Dennis Trillo.

May nabasa na naman kami ngayon na isinumbong diumano siya ng EP ng production ng isang kiddie show sa GMA Artist dahil mahirap katrabaho. Kesyo pinaghintay ang mga bata dahil 12 noon na dumating samantalang 10 am ang calltime niya sa San Pablo, Laguna. Bukod dito ay nagmamadali diumano siya dahil may taping pa sa isang show. Pati ang shorts na nire-quire na dalhin ni Aljur ay kinalimutan diumano kaya ginawan na lang ng paraan ng productions. Inililis na lang daw ang pantalon niya hanggang hita.

Isang importanteng actor si Aljur ng Kapuso Network ngayon pero sana iwasan niya ang problema niya sa oras.

-0o0-

SI HEART Evangelista ang tipo ng babae na nakikipag-break thru text messages lang. Nung maghiwalay sila ni Jericho Rosales ay tinext niya lang ito para sabihing makikipaghiwalay na siya.

Sa nangyaring break-up nila ni Daniel Matsunaga. Ayon sa Brazilian actor, nasa Brazil daw siya nung mag-text sa kanya si Heart para sabihing break na sila. Na siyempre ay labis na ikinagulat at ikinasakit ng loob ni Daniel. Of course, ang gusto niya kung maghihiwalay sila ay makapag-usap man lang sila ng personal

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply