Pabayang PNP director sa media sibakin- ALAM

IMINUNGKAHI ng grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM) sa Philippine National Police (PNP) na agarang tanggalin sa pwesto ang mga PNP provincial director kung may reporter na masaktan o mapatay sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay ALAM Chairman Jerry S. Yap, dagdag sa seguridad ito ng mga reporter kung papayag ang PNP sa mungkahing ito.

Ani Yap, sapilitang gagawa ng paraan ang mga provincial director upang maproteksyunan ang mga reporter na nakatalaga sa kanilang nasasakupan kung maaaprobahan ang nasabing panukala.

Hindi umano gugustuhin ng mga PNP directors na masibak sila sa pwesto kaya kikilos sila kahit paano.
Ayon naman kay ALAM President Atty. Berteni “Toto” Causing, may kampanya ang gobyerno na pagbibigay proteksyon at hustisya sa mga reporter na biktima ng paninikil ng mga maimpluwensya sindikato at mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Gusto lamang umano ng ALAM na maipatupad ito sa lalong medaling panahon dahil ilang buhay na rin sa panig ng media ang nalalagas at wala pang nananagot.

Ani Causing, mababawasan ang krimen laban sa mga reporter kung susuportahan ng PNP ang mungkahing ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply