Pabuya sa pagpatay sa Kabankalan judge P1.2M na

BUKOD sa P200,000 pabuya na inilaan ng Philippine Judges Foundation, nag-alok na rin kaninang umaga ang pamilya ng pinatay na si Kabankalan Regional Trial Court Judge Henry Arles ng karagdgang P1 milyon pa para sa pagkamit ng hustisya nito.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Ria Arles, ang bunsong anak ng biktima na magbibigay sila ng P1 milyon sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy, mahuli at mapanagot sa batas ang mga pumaslang sa kanilang ama.

Sa ngayon, hindi pa rin matukoy ng pulisya ang motibo at ang mga suspek sa likod ng krimen.

Naniniwala ang kapulisan at pamilya ng biktima na may kaugnayan sa trabaho nito bilang huwes ang pagpaslang dito.

Tumutulong na rin sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Task Group Arles at kanilang naestablisa na ang limang suspek sa krimen.

Dalawa rito ang naging look-out na nagsagawa ng surveillance sa judge bago ito pinaslang na kinabibilangan ng isang babae at isang lalaki.

Inambus noong Abril 24 ng gabi sa bayan ng Ilog ng mga suspek na sakay sa tricycle ang judge habang papauwi na ito sakay naman sa kaniyang Nissan Sentra.

Kahapon (Mayo 1) ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Judge Arles sa Bacolod City.

Una rito sinabi ni Supreme Court Spokesman Jose Midas Marquez na P100,000 ang inilaan ng PJF para sa makapagbibigay ng impormasyon sa paghuli sa mga salarin at may karagdagan pang P100,000 kung ma-convict na ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply