Pacers pinalamig ang Heat

KONTROLADO pa ng Miami Heat ang labanan sa first half subalit nag-iba ang ihip ng hangin sa second half matapos matamo ang 24 mintis sa 29 tira sa isang canto kaninang umaga.

Kumana si David West ng 16 puntos at 10 rebounds upang palamigin ng Indiana Pacers ang Heat, 78-75 sa Game 2 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) second round playoffs.

”Defense and rebounding,” saad ni Indiana coach Frank Vogel. ”We built this team, we started talking about smash-mouth basketball about winning the war in the trenches, and that’s with defense and rebounding. That’s what I grew up watching Eastern Conference basketball being like. We understand offense is going to come and go, especially like a great defensive team like these guys but we’re pretty good too.”

Nag-ambag si George Hill ng 15 points, apat na boards at dalawang assists upang itabla ng Pacers ang serye sa 1-1 sa kanilang Eastern Conference best-of-seven.

Naramdaman din ng Heat ang pagkawala ni Chris Bosh dahil sa natamong injury kaya marahil ay nagbago ang kanilang istilo.

”The game is not lost or won with two free throws,” ani Heat star player LeBron James na tumikada ng 28 markers, nine boards at five assists . ”But I definitely want to come through for my teammates. So I’ll get an opportunity again. I know I’ll be at the line again in that situation. Just go up and make ’em.”

Kahit tumulong ng 24 pts., anim na rebounds at apat na assists si Dwyane Wade sa Heat ay kinapos pa rin ito dahil sa ipinakitang tikas ng Pacers.

Samantala, ang Game 3 ay gagawin na sa Indiana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply