Pacers sumampa sa 2nd playoffs

MATAPOS ang ilang taong pighati ay mapapasaya na ng Indiana Pacers ang fans nila dahil nakapasok sila sa second round ng 2011-2012 National Basketball Association, (NBA) playoffs kaninang umaga.

Manunumbalik sa mga fans ang maningning na taon ng Pacers matapos talunin ang Orlando Magic, 105-87 para ilista ang 4-1 bentahe ng kanilang best-of-seven series sa Eastern Conference.

”I’m just so happy for our fans,” sabi ni Pacers coach Frank Vogel.”They’ve endured a lot those years when we struggled. To finally see us come back and have a winning team again and somebody that has a chance to do something special this year. That’s what they deserve. Pacers basketball is back.”

May isang minuto pa bago matapos ang laban ay sumisigaw na ang fans ng Pacers ng “Beat the Heat” na sinisiguro na rin na makakalaban nila sa second round dahil angat ng 3-1 ang nasabing team laban sa mahinang New York Knicks.

”It was electric,” ani Danny Granger na tumikada ng 25 puntos, apat na rebounds at tatlong assists. ”The crowd was crazy. They had a lot of momentum going. They pushed us in that fourth quarter.”

Pitong taon bago nakamit ni Granger ang unang series win habang si dating Pacer star player Reggie Miller ay inabot ng anim na taon.

”Close out game, you obviously want to play your best at these moments,” saad ni Granger. ”I pride myself on that. I had big night, but I’m just glad we got the win.”

Bumira rin si Pacer bench player Darren Collison ng 19 points, anim na assists at dalawang rebounds.

Si David West na naglaro ng halos 39 minuto para sa Indiana ay nag-ambag ng 12 pts. at walong rebounds.

Kahit wala ang star player ng Magic na si Dwight Howard ay lumamang pa ng dalawang puntos ang Orlando papasok ng fourth canto, 71-69.

Si Jameer Nelson ang nanguna sa opensa ng Magic matapos magtarak ng 27 puntos, limang assists at apat na rebounds habang pumangalawa si Glen Davis na may 15 pts., walong boards at dalawang blocks.

Samantala, sa ibang EC games, nakahinga pa ang Chicago Bulls dahil nalusutan nila ang Game 4 upang mapalakas ang tsansang makapasok sa susunod na round.

Sinuwag ng Bulls ang makulit na Philadelphia 76ers, 77-69 upang ilista ang 2-3 serye sa kanilang best-of-seven match.

Nairaos din ng Atlanta Hawks ang Game 4 upang manatiling may pag-asa na makalipad sa susunod na baitang.

Dinagit ng Hawks ang Boston Celtics, 87-86 para sa 2-3 serye sa EC match.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply