Pacman-Bradley card dumarami

DUMARAMI na ang mga lalaban sa undercard ng Manny Pacquiao-Timothy Bradley championship clash sa MGM Grand Casino, Las Vegas, sa June 9.

Sina Mike Jones at Teon Kennedy ay sasagupa para sa world titles, habang si amateur star Jesse Hart, anak ni dating Philadelphia middleweight legend Eugene “Cyclone” Hart, ay sasalang sa kanyang pro debut.

Si Jones (26-0, 19 KOs), undefeated No.1 welterweight contender, ay makikipagtuos kay former two-time world champion at current No. 2 contender Randall “The Knockout King” Bailey (42-7, 36 KOs), ng Miami, FL, para sa bakanteng IBF welterweight title sa isang 12-round contest.

Samantala, si Kennedy (17-1-2, 7 KOs) ay makikipagbasagan naman ng mukha kay defending WBA super bantamweight titlist Guillermo Rigondeaux ng Cuba, sa 12 rounds.

Mayroong magandang rekord si Rigondeaux na 9-0, 7 K0s, at nakakuha ng gold medals sa 2000 at 2004 Olympic Games.

Samantala, magsisimula nang magsanay si WBA super lightweight world champion Marcos “Chino” Maidana sa Oxnard, California kasama ang bagong trainer na si Robert Garcia.

Ilan sa mga pinag-aaralang makaharap ni Maidana sa Hulyo sa Argentina ay sina Danny Garcia, Johan Perez, Humberto Soto, Michael Katsidis at Lucas Matthysse.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply