Pacman di dapat tumanggap ng malaking premyo – Mayweather

HINDI deserving si Filipino ring icon Manny “Pacman” Pacquiao na mabigyan ng mas malaking share sa kikitain ng pay-per-view sakaling makasagupa na niya si unbeaten boxer Floyd Mayweather Jr., dahil hindi siya ang big star sa Amerika.

Ito ay ayon sa ama ni Mayweather Jr., na si boxing trainer Floyd Mayweather Sr.

Sa kanyang pagsasalita sa On The Ropes Boxing Radio, sinabi ni Mayweather Sr., na ang kanyang anak ang “the man to beat” sa boxing at salamat sa kanyang undefeated record at ito ang pinakamalaking bargaining chip ni Floyd sa pakikipagnegosasyon kay Pacquiao.

“Really, Floyd is the one that’s undefeated, he ain’t got no losses on his record. Period! Pacquiao got a couple of losses and draws,” ayon kay Mayweather Sr.

“So I’m just saying that little Floyd shouldn’t have to have no negotiations about who’s going to get what. It should already be settled because there shouldn’t be no thing about him (Pacquiao) getting something bigger than Little Floyd, because he ain’t bigger than Little Floyd right now!” dagdag ni Mayweather Sr.

Si Pacquiao ay may ring record na 54 wins at 38 knockouts, 3 tatlo at dalawang tabla. Si Mayweather Jr ay undefeated sa 43 fights.

Sina Pacquiao at Mayweather Jr., ay kasalukuyang patas sa No. 2 sa The Ring magazine Pound-for-Pound ratings.

Sinabi pa ng matandang Mayweather na ramdam niyang handa ang kanyang anak na humarap kay Pacquiao kung ang hatian ng pay-per-view ay 45-45 kung saan ang mananalo sa laban ay makakakuha ng nalalabing 10%. Ito ang plano na inilatag ni Top Rank box Bob Arum sa negosasyon ng dalawang kampo sa kaagahan ng taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply