Pacman, Floyd Jr tie sa No. 2 ng Ring Magazine; No. 1 spot bakante pa

TIE sina People’s Champ Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa number 2 spot ng tinaguriang “Bible of boxing” na Ring Magazine.

Nagdesisyon naman ang magazine na bakantehin muna ang No. 1 spot.

Ayon kay Michael Rosenthal, editor ng nasabing magazine na ang pagkapanalo ni Mayweather kay Miguel Cotto nitong nakaraan ang dahilan kaya nakahabol ito kay Pacquiao, subalit hindi naman ito aniya sapat upang makaungos sa Pinoy boxing champ.

Inamin din ng magazine na nahirapan ang kanilang editorial board kaya nagdesisyon sila na ilagay ang dalawa sa ikalawang puwesto.

Gayunman, maaari pang makuha ni Pacman ang No. 1 position, depende kung maganda ang performance sa laban kay Timothy Bradley sa June 9.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply