Pacman hinihintay ni Mayweather

PARA kay trainer Roger Mayweather, tiyuhin ni undefeated champion Floyd Mayweather Jr., hinihintay na ng kanyang pamangkin si Pinoy boxing champ Manny Pacquiao.

Ayon kay Mayweather, kung siya ang papipiliin sa iba pang boksingero sa mundo ay Pacquiao ang kukunin niya para iharap kay Floyd.

Gayunman, kung hindi umano maisasakatuparan ang negosasyon ay wala silang magagawa kundi ang hanapan na lang ng ibang kalaban ang undefeated champ.

“Pacquiao. I’d like to see the fight but if it don’t happen. Floyd’s got to fight somebody,” pahayag ni Roger.

Samantala, sinabi ni Roger na walang naipanalo na round si Miguel Cotto sa kanilang laban ni Floyd noong May 5 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada kung saan nanalo ang huli via unanimous decision.

Ang scores ay pumalo ng 118-110 at 117-111 twice, na ayon kay Roger ay patunay lamang na hindi umubra ang mga taktikang ginamit ni Cotto laban sa kanyang pamangkin.

“I don’t even know if he won one round,” ani Roger. “I don’t believe he won a round; I didn’t see it. Floyd beat his *ss easy…The only way he had a chance was moving forward. He can’t outbox Floyd. He had to do what he had to do.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply