Pacman nasa maayos na kondisyon – Ariza

KUMAKALAT ang tsismis na si Manny Pacquiao ay may trangkaso gayung malapit na ang kanyang title defense kontra Timothy Bradley.

Nakaiskedyul si Pacquiao na makasagupa si unbeaten at younger fighter Bradley sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Maynila) at maaaring makasagabal ang pagkakaroon niya ng sakit at ikinababahala na maagaw sa kanya ang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

Maagap namang itinanggi ng kanyang handlers ang naturang tsismis.

“[Pacquiao is] right on schedule and training camp is going very well,” sinabi ni Michael Koncz, ang adviser ni Pacquiao sa Philboxing.

Aniya, maganda ang kalusugan ng 8th division champion at sinasabing si Pacquiao ay umispar pa ng 12 rounds noong Sabado sa tatlong magkakaibang sparring partners.

Sinabi pa ni conditioning coach Alex Ariza na mahusay sa kanyang sparring si Pacquiao.

Idinagdag niya na ang cramps na nararanasan dati ni Pacquiao ay nawala na.

Aniya, sisimulan na rin ni Pacquiao na magpababa ng timbang habang malapit na ang petsa ng kanyang laban. “Its time to close it out,”aniya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply