Pacman pinakamayamang kongresista pa rin

SI eight-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao pa rin ang naitala bilang “richest congressman” ngayong taon.

Ito ay batay sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa pagtatapos ng takdang araw ng pagpapasa nito.

Nabatid na nananatiling nasa mahigit P1 billion pa rin ang net worth ng kongresista na pinakamataas kung ihambing sa lahat na kongresista na nagsumite ng record of assets noong 2011.

Lumalabas na tumaas pa ngayong 2011 ang assets ni Pacman kumpara sa 2010 SALN na umabot ng P1.13 billion.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply