Pacman sasabak na sa Hollywood film

SASABAK na rin sa Hollywood movie si pound for pound boxing champion at Sarangani Representative Manny Pacquiao.

Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lamang sa ring at sa Philippine Showbiz magpapasikat, kundi maging sa Hollywood ang pambansang kamao.

Ayon sa Hollywood movie producer na si Damian Perkins, kabilang si Pacman sa Hollywood film na “Brass Knuckles” at sisimulan na nila ang shooting ng pelikula sa susunod na buwan pagkatapos ng kanilang sagupaan ni Timothy Bradley.

Bagama’t kitang kitang tuloy sa pagboboksing si Pacman, sabik na rin itong gumanap sa pelikula sa ibang bansa.

Makakasama ng Pinoy boxing sa naturang movie sina Oscar Award winning actor Benecio del Toro, Fil-Am comedian Rob Schneider at ang Mexican-born actor na si Jacob Vargas.

Gagampanan ni Pacman ang papel bilang gangster at gaganap namang tiyuhin nito si Schneider.

Matatandaang nagkaroon na rin ng pelikula sa Pinas si Pacman sa mga pelikulang Anak ng Kumander, Wapakman at Lisensyadong Kamao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply