Pacquiao ‘superchampion’ ring

LUMILIKHA sa ngayon ang The World Boxing Organization (WBO) ng espesyal na crafted ring bilang tribute kay welterweight king at 8th division champion Manny Pacquiao.

Sinabi ni WBO president Francisco “Paco” Valcarcel, na ang singsing ay may titulong “Superchampion” na hango sa mga naging achievement ni Pacquiao at ito ay ipagkakaloob sa kanya, bago ang laban kay Timothy Bradley sa Hunyo 9.

“This ring is one of only two in the world,” ayon kay  Valcarcel sa WBO official website.

Ang unang tanging diamond ring crafted ng WBO ay iginawad din kay boxing great Oscar de la Hoya noong 1995.

“It’s a ring specially designed for Pacquiao. This ring is for elite fighters,” anang WBO president.

Si Pacquiao, na nagwagi ng WBO title mula kay Miguel Cotto noong 2009 ay gagawa ng ikaapat na pagdepensa kontra Bradley.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply