Pacquiao biyaheng Amerika na bukas ng gabi

BUKAS na ng gabi aalis pa-Amerika ang grupo ni Eight Division World Champion Manny Pacquiao para ituloy ang pagsasanay sa kanyang nalalapit na laban kay Timothy Bradley sa Hunyo.

Kanina ay bumaba na mula sa Baguio City ang Team Pacquiao pero agad ding itinuloy ang kanyang training sa kanyang gym sa Sampaloc, Maynila.

Ipinahayag naman ni Manny na sa unang pagkakataon ay panonoorin siya ng kanyang mga anak nang live sa kanyang laban sa Las Vegas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply