Pacquiao handa na kay Bradley

HALOS handa na si WBO welterweight champion Manny Pacquiao dahil sa ipinakikita nito sa kanyang pagsasanay sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Subalit kahit kuntento na si trainer Freddie Roach sa mga work out ni eight-division world titlist Pacquiao ay gusto pa rin nitong ikuha ang pambansang kamao ng pang-apat na sparring partner.

Nauna nang nakipagbugbugan si Pacquiao sa dalawang Russian fighters na sina Ruslam Provodnikov at Rustam Nugaev na ginanap sa Baguio sa kanyang three-week, high-altitude training.

Pinaghahandaan ng 33-anyos na Pinoy boxing champ ang laban nito kontra kay Timothy Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Si Bradley ay 28-anyos at isang undefeated boxer kaya naman ayon sa team Pacquiao ay todo ang pag-eensayong ginagawa nila kay Pacman.

Bukod sa stretching at jogging ay nagpapawis si Pacquiao ng 11 rounds sa punch mitts na hawak ni Roach kung saan ipinakita ni Congressman ang kanyang lakas at bilis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply