Pacquiao handa na sa dirty fight ni Bradley

“NOBODY’S unbreakable, not even a brick wall like Timothy Bradley,” ayon kay Boxing trainer Freddie Roach.

Nag-react si Roach sa sinabi ng American boxer hinggil sa Pinoy champion sa serye ng HBO Face Off sa pagitan nina Manny Pacquiao at Bradley.

“Manny Pacquiao, come break down this wall, baby,” paghamon na wika ni Bradley, hawak ang yabang na wala pang pagkatalo sa bawat laban.

Pero sinabi ni Roach na ang pader ni Bradley ay babagsak sa sandaling matikman na niya ang malulupit na mga atake ni Pacquiao.

“Anyone can be broken,” anang mainit na boxing coach. “We’ll see how great his chin is.”

Sa kanilang face-off, ito na ang pinakamatagal na pagkakataon para kay Bradley na hinihintay niyang ultimate dream fight kontra Pacquiao.

Aniya, gagawin niya ang lahat sa sandaling magharap na sila sa Hunyo 9.

“I felt that I deserve him, I feel that deep inside I can beat him… Manny Pacquiao is a great fighter but he can’t break me down,” ani Bradley, na nananatiling walang talo sa 29 na laban.

Aminado siyang hinahangaan niya si Pacquiao, pero dahil sa status niya bilang no. 1 fighter, tatalunin niya ang Pinoy boxing icon.

“I like Manny a lot. He’s also a great role model… but the key thing is being No. 1. I gotta hurt him.”

Si Roach, na tagapagsalita ni Pacquiao ay nagsabi na napag-aralan na niya ang estilo ni Bradley. Kailangan lang niyang maging alisto sa head butts nito.

“I think he’s a dirty fighter… I’ve seen Tim fight many times, I know how he fights, his style… we’ll be ready for that.”

Kumpiyansa siya na sa bisa ng work ethic ni Pacquiao, hihigitan ito ng Pinoy. “It should be action packed. I don’t see this going the distance,” ani Roach.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply